Gamit limang letra, abot bituin ang mga salita.

Mahilig ka ba sa mga word game? Nasubukan mo na bang maglaro ng word game sa Filipino? Ito na ang pagkakataong subukan mo ang kakayahan mong gumawa ng salita sa Filipino. Gamit limang letra lamang, marami ka nang mabubuong salita.

Inilikha para sa "Operation Quickdraw" game jam ng DevelUP Diliman.

Kung hindi gumagana sa iyong device ang laro, maaari mong subukan ang link na ito: https://aggnuch.github.io/limahan/index.html

-------------------------------

PANUTO:

  • Gumawa ng salita sa pamamagitan ng pagpipindot ng letra sa baba. Walang letrang maiiwan sa ibaba; dapat gamitin lahat ng letra
  • Kapag nagkamali ka sa kalagitnaan, maaari mong ulitin sa pamamagitan ng pagpipindot sa anumang bilog sa taas.
  • Ang mga ibubuong salita ay dapat may kahulugan sa Filipino.
  • Ang NG ay iisang letra lang sa larong ito, i.e. ang BUNGA ay apat na letra at ang LANGOY ay limang letra.
  • Mayroon ka lamang 20 segundo upang makabuo ng salita. Kapag tama ang salita, madadagdagan ka ng oras. Kung mali naman, babawasan ka ng oras.

-------------------------------

CREDITS:

Larawan

Tunog

Leave a comment

Log in with itch.io to leave a comment.